nagparticipate man daw tayo sa Pintados? tapos nanalo daw tayo ng prize? meron na ba nagtanong sa inyo kung saan napunta ang prize money ... diba may cash prize yun sa mga placers.
assume lang ako ng two things in this post: first, that we participated and naka-place tayo. second, na may cash prize yung placing natin.
kasi ang pagkaalam ko dyan ang prize money nag-commit si head penguin na ang moolah na mapanalunan mapunta dun sa nagturo/choreographer. Hindi pa kami nag-uusap ni head penguin ever since nag-umpisa ang school, pero kung mag usap kami ganito siguro takbo ng pagiisip ko about this issue:
bakit napunta dun sa choreographer lahat ang prize mooolah? ang alam ko may sweldo yung choreographer dito sa school ... yung mga bata na napagod sa kaka gawa ng choreographed moves? paano sila? ang common practice kasi nyan yata: dapat a larger portion of the prize money mapunta sa student fund (maybe the COL fund) tapos may percentage la an choreographer.
anybody who knows ... please tell me the real deal